Ang aking karanasan sa Baguio
"Ang aking karanasan sa Baguio" Noong ako'y labing apat na taong gulang palang ay nagtungo kami sa Baguio upang mamasyal. Mahigit anim na oras ang aming pagbiyahe. Sa aming pagbiyahe'y natulog lang ako sapagkat tulugin ako sa biyahe. Nang kami'y dumating na sa Baguio'y talaga namang napakalamig doon. Sa aming pamamasyal sa Baguio'y talaga namang napakasaya ngunit mayroon ding kalungkutang dala-dala sa kadahilanang 'di ko kasama ang aking ama't ina. Pinuntahan namin doon ang "The Mansion", na kung saan ay may malaking tarangkahan bago makapasok sa loob nito. Sumunod naman naming pinuntahan ay ang "Mines View Park".Matapos naming mamasyal ay kumain kami sa kainan na talaga namang napakasarap ng kanilang mga luto. Nang sumamapit naman ang gabi'y pumunta kami sa SM Baguio at doon ay kumuha ng aming litrato. Ang sumunod namang araw ay marami pa kaming pinuntahang pasyalan isa na roon ang "Strawberry Farm" na kun...